2 suspected drug pushers arestado ng Sultan Kudarat PNP

Kulungan ang bagsak ng dalawang sub- contract employee ng AYZRAK Philippines Inc. matapos maaresto sa magkahiwalay na buybust operation ng Sultan Kudarat PNP kahapon sa Brgy. Simuay .
Kinilala ni Chief Inspector Esmail Madin , Hepe ng SK MPS ang naunang nahuling suspek na na si Camad Munuk Abag 41 anyos , residente ng Brgy. Adaon ng Datu Anggal Midtimbang.
Nakumpiska sa pag iingat ni Abag ang 8 piraso ng shabu , mga drug paraphernallias at marked money na 200 pesos .
Samantala naaresto naman sa follow up operation ng PNP matapos isuplong ng nahuling si Abag pasado alas 4 kahapon si Tata Sakandal Mohamad 27 anyos at residente ng Datu Piang na nakumpiskahan din 3 sachet ng Shabu.
Naaresto si Abag at Sakandal sa compound ng Lamsan.
Nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga naaresto.
Ang mas pinalakas na kampanya ng SK PNP kontra droga ay sa pangunguna na rin ng alkalde ng bayan na si Datu Shameem Mastura. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments