2 SUSPEK NA NAHAHARAP SA KASONG VAWC, ARESTADO

CAUAYAN CITY – Arestado ang dalawang suspek sa magkaibang bayan sa Cagayan matapos isuplong ang mga ito sa kasong pang-aabuso sa mga kababaihan.

 

Una dito ay ang pagkahuli ng suspek na si alyas “Rigor”, 49-anyos sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.

 

Binubog umano ng suspek ang kanyang live-in partner na si alyas “Janine”, 42-anyos dahil sa selos.


 

Sa bayan naman ng Gattaran ay nahuli rin si alyas “Lester”, 23-anyos, matapos nitong sakalin at suntukin ang live-in parter nitong si alyas “Rina”, 22-anyos, dahil hindi binigyan ng biktima ang suspek ng pamusta sa larong basketball.

 

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 ang dalawang nabanggit na suspek.

Facebook Comments