
Dalawang suspek sa magkahiwalay na insidente ng kidnapping ang iniharap ng National Bureau of Investigation o NBI sa media.
Kabilang sa iniharap sa publiko ang isang ex-convict na dumukot sa mag-inang negosyante.
Sa naturang kidnapping incident, napatay ang anak ng biktima na si Christian Ortega.
Samantala, iprinisinta rin ng NBI sa media ang suspek sa pagdukot sa dalawang Chinese at isang Korean national sa Nasugbu, Batangas.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, napilitan ang isa sa mga suspek na si Jomar Pelayo Ubarde na sumuko sa NBI matapos na matunugan nito ang kanilang ikinakasang operasyon.
Itinuro naman ni Ubarde ang isang Danilo “Danny” Lominoque Abilong bilang kanilang mastermind.
Facebook Comments









