2 Suspek sa Pagbebenta ng Iligal na Droga, Arestado

103

Cauayan City, Isabela- Huli ang dalawang binata matapos umanong bentahan ng iligal na droga ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer sa ikinasang buy-bust operation pasado alas 2:30 ng hapon kahapon sa Purok 6, Brgy Imelda Bliss Village, City of Ilagan, Isabela.

Sa imbestigasyon ng City of Ilagan Police Station, kinilala ang mga suspek na si Nestor Abella Jr. alyas “Ambeng”,22-anyos at Marlon Beran na kapwa residente sa naturang barangay.


Nadakip ang dalawa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Region 2, MAMASID Isabela at PNP Ilagan matapos bentahan ang operatiba ng isang (1) pakete ng hinihinalang shabu.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, nakatunog si Beran na paparating ang pulisya kung kaya’t tumakbo ito subalit nadakip rin sa bahay ni Abella.

Narekober sa pag-iingat ni Abella ang P1,000-peso bill at boodle money, maging cellphone nito habang nakumpiska naman kay Beran ang coin purse na naglalaman ng pakete ng shabu, tatlong bala ng baril na caliber 45 at pera na nagkakahalaga ng P145.

Nabatid na dati ng nahuli sa kaparehong kaso si Abella at nakalaya lamang sa plea bargaining.



Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 laban kay Beran.


Facebook Comments