2 suspek sa pagkamatay ni Salilig sa hazing, naaresto sa Cavite

Dalawa pang suspek sa pagkamatay sa Adamson University Student na si Matthew Salilig ang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group sa Cavite noong Huwebes.

Kinilala ang mga akusado na sina Justin Fontanilla, 20-anyos na taga-Barangay Alapan II sa Imus at si Armando Hernandez, 21-anyos na taga-Barangay Amaya 6 sa Tanza.

Napabilang sila sa wanted persons ng CALABARZON dahil sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law.


Matatandaang nasawi si Salilig matapos na sumailalim sa initiation rites ng Tau Gamma Phi sa Biñan, Laguna noong February 18.

Sampung araw matapos ang insidente, natagpuang nakalibing ang bangkay ni Salilig sa isang bakanteng lote sa Cavite.

Facebook Comments