2 suspek sa pagpatay sa konsehal ng Puerto Galera at anak nito, naaresto na

Manila, Philippines – Nadakip na ng mga tauhan ng Philippine National Police ang 2 suspek sa pagpatay sa konsehal ng Puerto Galera na si Melchor Arago at anak nitong si Kenneth Arago.

Ayon kay Senior Superintendent Christopher Birung, hepe ng Oriental Mindoro police, alas- 5:30 ng umaga, naharang sa checkpoint sa bayan ng San Teodoro ang 2 suspek sakay ng isang van.

Nakilala ang mga ito na sina Tirso Tito, 39 anyos at Rogelio Sto. tomas, 47 anyos.


Positibo naman aniyang itinuro ng isang testigo ang dalawa na nangongolekta ng bote at scrap metal malapit sa lugar ng krimen.

Kapwa residente ng Lipa City, Batangas sina Tito at Sto. Tomas.

Kahapon walang awang pinagbabarilin ng mga suspek ang konsehan habang nasa loob ng kanyang kotse sa tapat ng kanilang bahay habang paalis na sana sa crime scene ang mga suspek binalikan pa ng mga ito ang 15-anyos na anak ng konsehal at pinagbabaril din.

Facebook Comments