2 suspek sa pagpatay sa Transgender sa Bolinao sumuko na

Kinumpirma ng Pangasinan Police Office na sumuko na ang dalawang suspek sa karumal dumal na pamamasalang sa isang transgender na si Jessa Remiendo sa Patar Beach Bolinao.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Police Colonel Redrico Maranan, police director ng PNP Pangasinan, matapos ang isang linggong pagtatago ng mga suspek na si Isagani Dollaga at Michael Orpano sumuko ito sa opisina ng Pangasinan Police Office kasama ng kanilang mga pamilya at ipinasundo ang mga ito sa operatiba ng PNP Bolinao na kung saan kasalukuyang idedetaine ang dalawa.
Ikinasa ang dragnet operation laban sa dalawa matapos malaman na ito ay nag-alsabalutan.
Base sa imbestigasyon ng PNP Bolinao, nakipagkita si Remiendo sa kaniyang katextmate at hindi na nakabalik pa ng bahay at kinaumagahan na ng matagpuan ang katawan ni Remiendo sa dalampasigan na ginilitan ang leeg maging ang mata nito base sa post mortem examimation.
Matatandang mariing kinondena ng Commission on Human Rights ang pagpatay sa biktima.
Si Dollaga at Orpano ay nahaharap sa kasong murder.
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>

Facebook Comments