2 suspek sa pamamaslang sa 2 Japanese nationals sa Maynila, kinasuhan na

Sumailalim na sa inquest proceedings ang dalawang suspek sa likod ng pagpatay sa dalawang Japanese national na nangyari sa Maynila.

Ito ay kasunod ng pormal na pagsasampa ng reklamong murder at theft laban sa dalawang naarestong suspek.

Sa ngayon, isa pa ang patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.

Nakilala ang dalawang salarin na kapwa residente ng Minalin, Pampanga habang at-large pa ang ikatlong suspek na hindi pa nakikilala.

Tinukoy naman ang mga biktimang dayuhan na sina Hideaki Satori at Akinobu Nakayama na huling tumuloy sa isang hotel sa Pasay City bago mangyari ang krimen.

Ngayong hapon, ipinresinta rin ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga nadakip na suspek.

Tiniyak naman dito ng alkalde na gagawin ang lahat para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Facebook Comments