
Hawak na ng Makati PNP ang dalawa sa apat na suspek na nang-holdap sa isang call center agent sa Barangay San Antonio, Makati City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Melvin, 25 years old at alyas Angelo, 23 years old parehong residente ng Sta. Ana Manila habang ang biktima ay isang 25 years old call center agent.
Base sa imbestigasyon ng EHMakati police, naglalakad ang biktima sa area nang hintuan ng apat na kataong nakasakay sa dalawang motorsiklo at dalawa sa mga suspek ang bumaba at tutukan ng baril ang biktima.
Sapilitang kinuha sa suspek ang kanyang necklace at bracelet na nagkakahalaga ng P33,000.
Pero dahil sa anti-criminality operation na isinasagawa ng mga pulis sa lugar ay naharang ang dalawang suspek habang tinutugis pa ang dalawa nitong kasamahan.
Narekober sa mga suspek ang isang caliber 9MM na pistol na may apat na bala, isang replica ng baril, dalawang helmet at ang nanakaw na alahas.
Haharap ang mga suspek sa kasonbg paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code o Robbery, Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act.









