2 suspek sa panununog ng vote counting machine sa Isabela naaresto na ng PNP

112

Naaresto na ng Philippine National Police ang dalawang suspek sa panununog ng Vote Counting Machine sa Isabela.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac unang naaresto kahapon ang isang suspek sa Brgy. Diarao, Jones, Isabela na si Rodel Pascual.

 

Sa Brgy. Sta. Isabel, Jones, Isabela naaresto rin kaninang umaga ang isang suspek na si Jayson Leano.

 

Ayon kay Police Regional Office 2 Director, Police Brig Gen Jose Mario Espino ang dalawang suspek ay itinuro mismo ng mga suspek na responsable sa panununog ng VCM sa Manayao Hill Brgy. Sta Isabel Jones ala-sais ng umaga kahapon.

 

Ang mga election equipment ay dadalhin na sana sa Local Canvassing center.

 

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong Arson, Grave Threats at  Robbery.

Facebook Comments