2 suspek sa San Jose Delmomte masaker nasakamay na ng pulisya

Naaresto na ng pulisya ang dalawang suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa mag-iina sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa ikinasang follow-up operation nahuli si Wilson Cortes sa North Caloocan habang si Joselito Cortez ay sa Barangay San Manuel sa San Jose del Monte naaresto.

Ito ang kinumpirma  ni Police Lieutenant Colonel Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte Police.


Si Wilson ay asawa ng pinsan daw ng biktimang si Jaymee Casabuena.

Pagnanakaw daw ang tinitingnang motibo sa pagpatay.

Umamin daw si Wilson na nanakawin lang nila ang cellphone ng biktima pero nagpumiglas ito kaya nila sinaksak.

Nakatakdang ipresent sa media ang mga suspek sa Camp Olivas sa Pampanga mamayang tanghali.

Facebook Comments