2-TAONG GULANG NA BATA, MINOLESTIYA NG 10-ANYOS NA KAPITBAHAY

Kinokondena ng Cauayan City Police Station ang nangyaring pangmomolestiya ng isang sampung taong gulang na lalaki sa dalawang taong gulang na batang babae sa isang barangay dito sa Lungsod ng Cauayan.

Ayon kay PMaj. Esem Galiza, Deputy Chief of Police ng Cauayan City Police Station, dahil hindi pa maaaring arestuhin at sampahan ng kaso ang 10-yrs old na suspek ay ipinasakamay na lamang ito sa tanggapan ng City Social Welfare and Development o CSWD Cauayan ganun din ang biktima kasama ang kanilang magulang para sa Psychological Counselling.

Batay sa salaysay ni Major Galiza, natuklasan ng ina ng biktima ang insidente nang paliguan nito ang kanyang anak na kung saan nabanggit ng 2-taong gulang na bata na ginalaw siya ng kanilang kapitbahay gamit ang daliri nito.

Nang malaman ng nanay ang sinapit ng anak ay agad na kinompronta ang batang suspek at nagtungo sa himpilan ng pulisya para magpa-blotter.

Ayon pa kay Galiza, pasok sa rape sa pamamagitan ng Sexual Assault ang ginawa ng 10-taong gulang na suspek.

Payo naman nito sa mga magulang na may maliliit pang anak na bantayan silang mabuti, maging mapagmatyag at huwag basta-basta ipagkatiwala sa mga kapitbahay para iwas sa ganitong insidente.

Samantala, bilang hakbang at aksyon ng kapulisan sa mga naitatalang insidente ng panggagahasa at molestiya, lalong paiigtingin ang kanilang kampanya kontra child abuse gaya ng pagsasagawa ng lecture o symposium at Oplan Tambuli sa bawat barangay ganun din sa mga paaralan at iba pang matataong lugar.

Facebook Comments