EXCLUSIVE: 2-taong gulang na batang babae na minaltrato umano ng isang gwardya, na-rescue sa tulong ng RMN DZXL 558 – Radyo Trabaho

Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang gwardya na nangmaltrato sa isang 2-taong gulang na batang babae sa Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang gwardya na si Christopher Gavani, 36 anyos, kasama ang asawa nitong si Arlene dela Rosa, residente rin sa naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Rodriguez Municipal Police Station, sinimulang maltratuhin ang 2-taong gulang na batang babae noong March 10, 2021 sa loob ng bahay.


Ayon kay Maria Querejero, 57 anyos, dumalaw siya sa bahay ng bata at nais lamang nitong silipin at tingnan ang kalagayan ng bata.

Laking gulat na lamang nito nang makitang nakaupo ang bata at namamaga ang isang binti at dalawang braso.

Agad na humingi ng tulong sa RMN DZXL 558 – Radyo Trabaho ang pamilya ng biktima at sa ginawang follow-up operation, inanyayahan ang gwardya na magtungo sa police station para imbestigahan.

Paliwanag naman ng Women and Children Protection Desk ng Rodriguez Municipal Station na palalayain muna pansamantala ang suspek habang pinoproseso pa ang naturang kaso.

Facebook Comments