2 Top 3 Most Wanted Person, Kalaboso!

42

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang dalawang top 3 most wanted person na lalaki matapos na maaresto pasado alas 9:00 kaninang umaga sa Brgy. San Salvador, Echague, Isabela.

Ang mga akusado ay nakilalang sina Sonny Gonzalez, 45 anyos, may-asawa, construction worker at Noel Gonzalez, 24 anyos, walang asawa, magsasaka at kapwa residente ng Brgy. San Salvador, Echague, Isabela.


Nahuli ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T Ong ng RTC Branch 24 dahil sa kanilang kasong Direct Assault with Frustrated Murder.

Nasa kustodiya na ng PNP Echague ang dalawang akusado ay sila’y pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang tig-dalawang daang libong piso (P200,000.00).

Facebook Comments