2 Top Most Wanted at 3 iba pa, Arestado

70

Cauayan City, Isabela- Hindi hadlang ang General Community Quarantine(GCQ) para hindi mahuli ang mga wanted sa batas. Arestado ang limang wanted persons kabilang ang dalawang (2) notorius sa batas sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya kahapon, May 7,2020 dito sa region 2.

Kinilala ang Top Most Wanted Person na si Joey Antonio, 33-anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. San Bonifacio, Burgos, Isabela dahil sa kasong Statutory Rape at Jessie Ramos, 37-anyos, may asawa,isang negosyante at residente ng Brgy. Catugay, Baggao, Cagayan na nahaharap naman kasong paglabag sa RA 9262.


Maliban sa dalawa, naaresto din ang iba pang wanted sa batas na sina Jerome Manahan, 20-anyos, binata at walang trabaho na residente ng Brgy. San Manuel, San Mateo, Isabela dahil sa kasong paglabag RA 761; at ang mag-asawang Richard Taberna, 55-anyos, isang magsasaka at Lorna Taberna,52-anyos na kapwa residente ng Brgy. Bonfal East, Bayombong, Nueva Vizcaya para naman sa kasong Estafa.

Siniguro ng mga otoridad na kahit nasa ilalim parin ang buong rehiyon sa GCQ at sa kabila ng paggampan sa kanilang tungkulin bilang frontliners ay hindi nila isinasantabi ang kanilang mga pangunahing tungkulin bilang pulis.

Facebook Comments