2 Top Most Wanted sa Cagayan, Huli ng mga Otoridad!

40

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang dalawang Top Most Wanted municipal level sa Lalawigan ng Cagayan matapos maaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na lugar sa Lalawigan.

Ang akusado na si Nixson Pagalaran, 18 anyos, residente ng Brgy Centro 1, Aparri, Cagayan na pansamantalang nakatira sa Laoag, Ilocos Norte ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 9 Aparri, Cagayan dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.


Si Pagalaran ay itinuturing na Top 3 Most wanted sa bayan ng Aparri kung saan ay posibleng hindi na makalabas ng kulungan dahil walang inirekomendang piyansa ang korte sa kanyang kaso.

Samantala, nahuli rin ng otoridad ang Top 9 Most Wanted person sa bayan ng Lasam, Cagayan na nahaharap sa kasong Frustrated Homicide.

Nakilala ang akusado na si Dominador Pinapin, 39 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Sicalao, Lasam, Cagayan.

Ito ay sa bisa rin ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Edmar Castillo Sr. ng RTC Branch 11 Tuao, Cagayan.

Makakalaya lamang pansamantala ang akusado kung makakapagpiyansa ng halagang P72,000.

Facebook Comments