2 Top Most Wanted sa Isang Bayan sa Isabela, Natimbog ng Otoridad!

Cauayan City, Isabela- Nalambat na ng otoridad ang dalawang Top 1 Most Wanted Muncipal level sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Benito Soliven, Isabela.

Unang nadakip ng kapulisan sa Brgy. Yeban Norte sa Manhunt Charlie si Zander Ace Porras, 35 anyos, walang asawa, negosyante at residente ng nasabing barangay.

Si Porras ay nahaharap sa kasong Estafa na may kaukulang piyansa na Php.34,000.00 pesos.


Naaresto naman sa Manhunt Bravo ang isang Karpentero na Top 1 Most wanted rin sa Benito Soliven na si Isidro Lopez, 47 anyos, na residente naman ng Brgy. Yeban Sur ng naturang bayan.

Si Lopez ay nahaharap naman sa kasong Robbery na may kaukulang piyansa na Php72,000.00.

Parehong dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang akusado para sa dokumentasyon at pagpapasakamay sa court of origin.

Facebook Comments