2 traffic enforcers ng MMDA, sinuspinde dahil sa extortion

Ipinag-utos na ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang pagsuspinde sa dalawa nitong traffic enforcers na inireklamo ng pangongotong, o extortion.

Kinilala ni Chairman Abalos ang 2 traffic enforcers na sina Edmon Belleca at Christian Malemit, na kapwa permanenteng kawani ng MMDA.

Ayon kay Abalos, inilagay niya sa 90-day preventive suspension ang dalawa habang pending ang imbestigasyon sa mga kasong extortion, grave misconduct, at iba pa na maaaring humantong sa kanilang pagsibak sa serbisyo.


Una nang nag-viral sa social media ang dalawang traffic enforcers na sa halip na tikitan ang isang motorista dahil sa paglabag sa Republic Act 10913, o ang Anti-Distracted Driving Act at Reckless Driving sa EDSA, kanila itong pinalusot kapalit ng ₱1,000.

Facebook Comments