2 trapik enforcer, sugatan sa Bataan road crash

Sugatan ang dalawang traffic enforcers ng Metro Bataan Development Authority o MBDA matapos tumaob ang sinasakyan nilang patrol vehicle sa national highway sakop ng Barangay Palihan, Hermosa, Bataan.

Sa ulat mula kay Major Jeffrey Onde, hepe ng Hermosa MPS, kinilala ang mga biktimang sugatan na sila Ivan Wel Viray at Rollen Morales.

Nabatid sa police investigation kay Viray na binabagtas nya ang nabanggit na kalsada lulan ng MBDA Patrol pick-up truck na may plakang VU 0355, nang bigla umano siyang mawalan ng kontrol dahil sa dulas ng kalsada dala ng pag-ulan kaya sumalpok ang sasakyan sa isang poste, private fence o bakod bago bumangga sa concrete barrier sa gitna ng daan saka tumagilid.


Mabilis na na-rescue ang mga biktima na nagtamo ng slight physical injuries at mabilis na naisugod sa Orani District Hospital at nasa ligtas nang kalagayan.

Facebook Comments