2 triathlete gold medalist ng Pilipinas sa SEA Games, sasabak muli sa palakasan sa Aurora, Baler

Baler, Aurora – Matapos makuha ng dalawang triathlete ng Pilipinas ang gold medal sa Southeast Asian Games 2017, muling sasabak ang mga ito sa panibagong kompetisyon na gaganapin sa Baler, Aurora.

Diretso sina gold medalist Nikko Huelgas at John Chicano sa linggo para sa second staging ng Akkaw Baler Cross Triathlon sa Linggo.

Nabatid na may apat na kategorya ang nasabing triathlon race, ito ang elite open, non-elite age groups, locals, open relay.


Sisimulan ang triathlon sa 750-meter swim race mula sa Sabang beach pagkatapos nito at 38-km bike race pabalik sa finish line ng barangay Sabang.

Facebook Comments