2 tripulanteng Pinoy na sakay ng cargo ship galing India na naging kritikal dahil sa COVID-19, nasa stable nang kalagayan

Nasa mabuti nang kalagayan ang dalawang Pilipinong tripulante ng MV Athens Bridge na isinugod sa isang ospital sa Maynila matapos maging kritikal dahil sa COVID-19.

Sa pahayag ng Maritime Industry Authority (MARINA), patuloy pa rin nilang mino-monitor ang kalagayan ng dalawa at sampu pang kasama nito na pawang mga asymptomatic.

Galing sa India ang Panamanian-flagged container ship noong nakaraang buwan kung saan nadiskubreng positibo ang mga tripulanteng Pinoy bago dumating ng Vietnam.


Hindi sila pinayagang makapasok sa nabanggit na bansa kaya’t dumiretso na ang barko sa Pilipinas.

Pero ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang barko ay kasalukuyang  naka-quarantine sa anchorage sa Manila Bay.

Patuloy na binabantayan at mino-monitor ng PCG, MARINA at Bureau of Quarantine ang MV Athens Bridge na nananatili sa layong 2 nautical miles mula sa dalampasigan ng Maynila.

Facebook Comments