2 truck, nagbanggan sa Mindanao Avenue; Isa sa mga driver, sinugod sa hospital

16

Quezon City – Wasak ang harapang bahagi ng isang delivery truck na may dalang softdrinks matapos bumangga sa isang ten wheeler sa Mindanao Avenue, sakop ng Bahay Toro, Quezon City alas tres y media kaninang madaling araw.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, pa-uturn ang isang ten wheeler nang banggain siya sa likuran ng delivery truck. Nakatigil na ang ten wheeler bago mag u-turn.

Sugatan ang driver ng delivery truck na kaagad dinala sa ospital.

Inaalam pa kung saan dadalhin ang karga nitong mga softdrinks.

Bahagya namang may pagbigat sa trapiko sa southbound lane dahil hindi pa natatanggal ang delivery truck hanggang sa ngayon.

Hinihintay na lamang ang tow truck na kukuha sa delivery truck para maalis na ang nasabing sasakyan at magtuloy-tuloy na ang trapiko sa lugar.

Facebook Comments