2 Tulak ng Droga, Arestado sa Buy Bust!

*Cabatuan, Isabela-* Natimbog ang dalawang tsuper na tulak ng droga matapos kagatin ang inilatag na transaksyon ng mga otoridad sa pambansang lansangan ng Brgy. Del Pilar, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Felix Lino, 37 anyos, may asawa, at Ronald Bala, 24 anyos, binata, kapwa truck driver at residente ng Purok Karayo, Sinimbaan, Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, naglatag ng Drug Buy Bust Operation ang mga kasapi ng Cabatuan Police Station katuwang ang PDEA Region 2 na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.


Positibong nakabenta ng isang sachet ng shabu si Lino sa isang poseur buyer sa halagang isang libong piso.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ni Lino ang isang sachet ng shabu at nakarolyong aluminum foil habang nakuha naman mula kay Ronald Bala ang isa pang sachet ng shabu.

Dinala na sa PNP Crime lab ang mga nakumpiskang droga para sa isailalim sa pagsusuri habang inihahanda na ng PNP ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga suspek.

Facebook Comments