2 Tulak ng Droga, Kalaboso!

321

Cauayan City, Isabela- Muling nakaiskor ang PNP at PDEA Region 02 nang maaresto ang dalawang tulak ng droga na kinabibilangan ng isang itinuturing na High Value Drug Target ng PDEA.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, isinagawa ang drug buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Cabatuan Police Station at PDEA- Quirino Provincial Office sa Brgy. Luzon, Cabatuan, Isabela.


Naaresto sa nasabing operasyon sina Joey Angangan na kasama sa listahan ng High Value Target ng PDEA 2 at Archilles Tones, parehong residente ng nabanggit na lugar.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, dalawang motorsiklo, tig-isang piraso ng P1000.00 at Php500.00 peso bill na nag silbing buy bust money.

Facebook Comments

From Advertisers