2 TULAK NG DROGA, NADAKIP SA BAYOMBONG, NUEVA VIZCAYA

Cauayan City, Isabela- Timbog ang dalawang tulak ng droga na kinabibilangan ng isang “High Value Target” (HVT) sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng PNP at PDEA kamakailan sa Barangay Bonfal East, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga suspek na sina Patrick Medecielo, 25-anyos, tricycle driver at Reynald John Carlo Ponchinlan, 22-anyos na kabilang sa listahan ng mga High Value Target ng PDEA at PNP at pawang residente ng nabanggit na lugar.

Dinakip ang dalawang tulak ng droga matapos umano nilang bentahan ng isang pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 0.16 na gramo kapalit ang isanlibong piso (P1,000) sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nasamsam sa pag-iingat ni Medicielo ang isang transparent ziplock na naglalaman ng 700 na gramo ng pinatuyong dahon, tangkay at buto ng “marijuana” na nagkakahalaga ng Php84,000.00 habang nakuha naman mula kay Ponchinlan ang anim (6) na pakete ng hinihinalang “Shabu” na tinatayang nasa limang 5 gramo ang timbang at may market value na Php 34,000.00.

Nakumpiska rin sa mga supek ang ilang drug paraphernalia; personal na kagamitan; Identification Cards at mahigit apat na libong piso (P4,000) na pinaghihinalaang kita nila sa mga ilegal na gawain.

Nahahrap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments