2 Tulak ng Droga, Natimbog sa Buy-bust Operation

25

Cauayan City, Isabela-Timbog ang dalawang katao na tulak ng iligal na droga sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang suspek na sina Allan Lopez Dumog, 40-anyos, residente ng Junction, Pinukpuk, Kalinga at John Paul Lumiwan Quibuhan, 18-anyos mula Manag, Conner, Apayao.


Pasado alas-9:30 ngayong umaga ng makatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa opisyal ng Barangay Nambaran at sinasabing nakabili ng iligal na droga ang hindi nagpakilalang tao sa hinihinalang mga suspek.

Nakumpiska kay Dumog ang isang (1) pakete ng naglalaman ng hinihinalang shabu at isa pang pakete ng shabu ang nakuha naman sa pag-iingat ni Quibuhan.

Bukod dito, ang mga nakumpiskang droga ay tumitimbang ng higit kumulang .03 grams na may street value na P2,000.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs.




Facebook Comments