2 Tulak ng Droga sa Isabela, Timbog sa Buy Bust Operation!

*Angadanan, Isabela -* Natimbog ang dalawang lalaki na tulak ng droga sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad pasado 1:00 ng hapon, Hunyo 26, 2019 sa Purok Uno, Brgy. Dalakip, Angadanan, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Jherrom Argonza Caranay, 22 anyos at Romnick Battung Acojido, parehong walang asawa at kapwa residente ng Brgy. San Antonio, Delfin Albano, Isabela.

Sa impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, nagsagawa ng Drug Buy Bust operation ang mga kasapi ng Angadanan Police Station sa pangunguna ni P/Capt Francis C Pattad na nag resulta sa pagkakahuli ng mga nabanggit na suspek kung saan nakabili ng isang sachet ng hinihinalang ang isang police poseur buyer sa halagang isang libong piso.


Habang kinakapkapan ng mga otoridad ang mga suspek ay narekober sa kanilang pag-iingat ni Romnick Acojido ang dalawa pang sachet ng hinihinalang shabu.

Dinala na sa Angadanan Police Station ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments