2 Tulak ng Iligal na Droga, Natimbog ng Pulisya sa Kalinga

75

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dalawang (2) lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation bandang 6:35 ng kagabi sa Casigayan, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang mga suspek na sina Teodoro Gumpad alyas ‘Junie’, 33-anyos at residente ng Bulanao, Tabuk City at Clever Vince Alisto, 21-anyos at residente ng Dagupan West, Tabuk City.


Nakumpiska sa mga suspek ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu na timitimbang ng higit kumulang apat (4) na gramo at may street value na P27,200.

Kumpiskado rin kay alyas Junie ang isang P1,000-peso bill pari rin ang dalawampu piraso ng tig-isanlibo na ginamit sa buy-bust at ilan pang gamit maging ang sasakyan na gamit nito na may plakang BAA 5715.

Nabatid na si Gumpad ay dati ng nahuli sa kaparehong iligal na aktibidad noong taong 2017 at kabilang sa High Value Target (HVT) habang si Alisto at kabolang naman sa Street level individual at may warrant of arrest sa kasong Robbery na ipinalabas ni hukom Ethelwolda A. Jaravata, RTC, 1st Judicial Region, Branch 32, Agoo, La Union na may petsang September 23, 2020.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga suspek na nasa kustodiya ng pulisya.




Facebook Comments