2 tulak, patay sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Malolos, Bulacan

Malolos, Bulacan – Patay ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Malolos, Bulacan.

Unang naka-enkwentro ng pulis ang tulak na kinilalang alyas Eric sa Barangay Pinagbakahan na madalas nagpapanggap na ice cream vendor dahil madaling maitago ang mga pakete ng mga shabu sa mga apa o kaya sa kanyang panukli.

Nagtangka pang tumakas si Eric gamit ang isang tricycle nang aarestuhin ng undercover na pulis pero nanlaban gamit ang isang sumpak kaya’t napatay.


Sumpak din ang ginamit ng isa pang tulak na kinilalang alyas Ver nang mahuli sa buy-bust operation.

Naka-enkwentro ng mga pulis si Ver na nagtangka rin tumakas gamit ang kanyang tricycle.

Facebook Comments