2-unit ng Motorsiklo, Tinanggap ng Quezon PS sa Nueva Vizcaya

61

Cauayan City, Isabela- Pinagkalooban ng Police Regional Office No. 2 (PRO2) ng dalawang (2) bagong motorsiklo ang Quezon Police Station sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Nagkaroon ng informal turn-over sa mga tauhan ng pulisya sa lugar na pinangunahan ni PBGen. Crizaldo Nieves.


Dalawang unit (2) ng Honda 125 (XRM) motorcycle ang maaari ng magamit sa pagpapatrolya ng kapulisan.

Inihayag ni PBGen. Nieves na ang pagbibigay ng motorsiklo ay bahagi ng mas maigting na kampanya para labanan ang kriminalidad sa mabilis na pagreresponde.

Isa ang nasabing himpilan ng pulisya na prayoridad ng PRO2 Directorate for Logistics sa pagbibigay ng motorsiklo mula sa kabuuang 581.

Sinaksihan din ni Mayor Binwag sa nasabing bayan ang pagbibigay ng nasabing motorsiklo.




Facebook Comments