2 VCM ang nasira at tatlong VRVM ang nagkaroon ng system failure sa Pres Corazon elementary school sa QC

Posibleng abutin pa ng alas otso ng gabi ang pagsasara ng botohan sa Pres. Corazon Aquino Elementary School.

 

Ito ay sa kadahilanang marami pa ring botante ang nakapila sa  pasilyo ng bawat palapag ng 4-storey building ng eskwelahan.

 

Dalawa kasing  voting counting machine ang nag overheat.


 

Agad naman itong napalitan pagkalipas ng mahigit isang oras.

 

Tatlo namang voters registration verification machine ang nagkaroon ng system failure.

 

Nagpabagal tuloy ito sa botohan laluna sa kasagsagan ng botohan.

Facebook Comments