
Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang Vietnamese nationals dahil sa ilegal na pagtuturok ng pampaputi sa kanilang mga parokyano.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sinalakay nila ang Diamond Bay Tower sa Parañaque City kung saan naaresto ang dalawang Vietnamese na sina “Thao Anh” at “Dong Xuan”
Sa ulat na nakarating sa CIDG, nagpapanggap na medical doctors ang mga suspek na nagsasagawa ng whitening treatment o nagtuturok ng mga pampaputi na walang kaukulang lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC) at Philippine Medical Association.
Nasamsam sa nasabing operasyon ang iba’t ibang vials, gamot, whitening creams, at mga equipment na nasa 150,000.00 ang halaga.
Paalala ng CIDG sa publiko, tangkilikin lamang ang serbisyo ng mga rehistradong medical professionals upang hindi malagay sa alanganin ang kalusugan.
Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang dalawang banyaga at nahaharap sa paglabag sa Republic Act No. 4224 o Medical Act of 1959.









