2 Vietnamese patay, 5 pa arestado sa operasyon ng Philippine Navy sa Bolinao, Pangasinan

Pangasinan – Inaalam na ngayon ng militar at pulisya kung ano ang ikinasawi ng dalawang Vietnamese na nakitang patay sa isang Vietnamese fishing vessel kasama ang limang Vietnamese na inaresto ng mga tauhan ng Philippine Navy.

Ayon kay Lt. Jose Covarrubias, public affairs officer ng Naval Forces Northern Luzon alas 2:00 ng madaling araw kahapon (September 24) nang mamonitor ng mga tauhan ng Philippine Navy na sakay ng BRP Miguel Malvar o PS 19 ang presensya ng Vietnamese fishing vessel na nasa 30 plus nautical miles west ng Bolinao, Pangasinan.

Sa inisyal na ulat ni Covarrubias, binangga pa ng Vietnamese fishing vessel na ito ang barko ng Philippine Navy habang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Bolinao.


Nang malapitan at mapasok ng mga tauhan ng Philippine Navy ang fishing vessel ng mga banyaga tumambad sa kanilang ang 2 patay na Vietnamese.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Bolinao Municipal Police Station ang limang naaresto habang ang bangkay ng dalawa nilang kasamahan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang ikinasawi ng dalawa habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa mga limang naarestong Vietnamese.

Facebook Comments