2 Wanted Person sa Aritao, Nueva Vizcaya, Natimbog!

46

Hawak na ng mga alagad ng batas ang dalawang wanted person matapos maaresto sa magkahiwalay na pagsisilbi ng warrant of arrest sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Naaresto sa bisa ng warrant of arrest si John Bacudo, nasa tamang edad, tsuper at residente ng Brgy. Calitlitan dahil sa limang kaso ng paglabag sa R.A 9262 o Violence Against Woman and their Children (VAWC).


Inireklamo si Bacudo ng dati nitong kinakasamang si Mae Balmasen ng Dinapigue, Isabela sa kasong pananakit o pambubugbog noong sila’y magkasama nitong mga nakaraang taon.

Pansamantalang makakalaya si Bacudo kung makakapagpiyansa ng tig-P24,000 sa kanyang bawat kaso.

Sumunod na naaresto dakong 5:30 kahapon sa Barangay Bone North, Aritao, Nueva Vizcaya si James Cajukom, 36-anyos, binata, tsuper at residente sa naturang lugar.

ito’y sa bisarin ng warrant of arrest na inisyu ni Hukom Paul Attolba Jr, ng RTC Branch 30 ng Bayombong, Nueva Vizcaya sa kaso namang rape na may criminal case # 5491.

Posibleng hindi na malabas ng kulungan si Cajukom dahil walang inirekomandang piyansa ang korte sa kanyang naturang kaso.

Facebook Comments

From Advertisers