2 WANTED PERSON SA CAGAYAN, TIMBOG

CAUAYAN CITY – Naaresto ang dalawang indibidwal na may magkaibang kaso sa magkahiwalay na isinagawang operasyon ng kapulisan ng Cagayan.

Una dito ay ang pagkakahuli kay alyas “Angelo”, 18-anyos, estudyante at residente ng Sanchez Mira, Cagayan.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inihain ng PNP Sanchez Mira dahil sa kasong Attempted Murder na may inirekomendang piyansa na Php120,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Samantala, nahuli rin si alyas “Felipe”, 43-anyos, at residente sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan dahil sa kasong Attempted Homicide na may inirekomendang piyansa na Php15,000.00.

Sinabi ni PCol Julio S. Gorospe, Jr., Provincial Director ng Cagayan, na lubos ang kanilang pasasalamat sa suporta at kooperasyon ng mga miyembro ng komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang probinsiya.

Facebook Comments