2 Wanted Person sa Isabela, Arestado!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang dalawang wanted sa batas matapos isilbi ang kanilang warrant of arrest sa magkahiwalay na lugar sa Lalawigan ng Isabela.

Unang naaresto ng mga kasapi ng PNP Cabagan si Jhonny Curibang, 41 anyos, may asawa, isang laborer at residente Brgy. San Jose, San Pablo, Isabela.

Si Curibang ay inaresto dahil sa kaso nitong Theft o pagnanakaw at siya’y pansamantalang makakalaya kung makakapag piyansa ng halagang P36,000.00.


Naaresto naman ng mga kasapi ng PNP Ilagan City si Ederlino Mabborang, 35 anyos, may-asawa, drayber at residente naman ng Brgy. Casalatan, Cauayan City, Isabela.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Damage to Property si Mabborang na may kaukulang piyansa na Php30,000.00.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang dalawang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments