2 Wanted Persons sa Isabela, Nalambat

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang dalawang wanted sa batas sa Lalawigan ng Isabela at Nueva Vizcaya matapos maaresto ng mga pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa dalawang probinsya.

Unang nadakip sa Brgy. San Placido, Roxas, Isabela ng mga kasapi ng Ilagan City Police Station sa pamamagitan ng warrant of arrest ang itinuturing na Top 6 sa City level na si Jessie O. Marcelo, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy. Cabisera 18, Brgy. Centro San Antonio, City Ilagan, Isabela.

Ito’y dahil sa kanyang kasong Tangkang pagpatay na kung saan ay may inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan na Php120,000.00.


Samantala, sinilbihan rin ng mandamiento de aresto sa BJMP sa barangay Curifang, Solano, Nueva Vizcaya ng mga kasapi ng PNP Bambang, CIDG NV-PFU at PIB NVPPO ang Top 3 Most Wanted sa Provincial level na si Matthew M Luna alyas Mateo.

Kasong Panggagahasa at Acts of Lasciviousness ang kinakaharap ni Luna na kung saan ay walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang paglaya.

Ang mga nahuli ay nasa kustodiya ng pulisya at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments