2 Wanted sa Batas, Huli sa Sto. Tomas!

Sto. Tomas, Isabela – Natimbog na ng mga otoridad ang dalawang indibidwal dakong alas tres ng hapon matapos isilbi ang Warrant of Arrest ng mga ito sa Brgy. Bagutari, Sto. Tomas, Isabela.

Kinilala ang mga naaresto na sina Mariel Bagunu Lopez, kwarentay otso anyos, may-asawa, Jerome Bagunu Lopez, bente tres anyos, binata at kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng PNP Sto. Tomas ang mga suspek matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Felipe Jesus Torio II, ng RTC Branch 22 Ca bagan, Isabela dahil sa kasong Frustrated Murder.


Pansamantalang makakalaya ang dalawa kung makakapaglagak ng kanilang piyansang tig dalawang daang libong piso.

Facebook Comments