2 Wanted sa Panggagahasa, Nasakote

Cauayan City, Isabela- Nadakip ng mga alagad ng batas ang dalawang katao na itinuturing na Top 1 at 3 most wanted person municipal level.

Kinilala ang Top 1 most wanted na si Antonio Ambatali Jr, 36 anyos, welder, habang ang Top 3 most wanted ay nakilalang si Ernesto Dalupang, 35 anyos, drayber at kapwa residente ng Brgy. Santor, Reina Mercedes, Isabela.

Ito’y sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Bonofacio Ong ng RTC branch 17 City of Ilagan, Isabela para sa kanilang kasong rape o panggagahasa.


Posibleng hindi na makalabas ng kulungan ang dalawang akusado dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanilang kaso.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Reina Mercedes ang dalawang akusado at nakatakdang ipasakamay sa kanilang court of origin.

Facebook Comments