Sa kabila ng pagsasailalim sa Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), inihayag ngayon ng Department of Health (DOH) na wala pang COVID-19 surge sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t walang surge, may nakikitang pagtaas sa COVID-19 cases ang mga eksperto sa mga susunod na linggo kaya nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na magpatupad ng ECQ sa Metro Manila.
Layon aniya ng hard lockdown na ma-delay ang pagkalat ng COVID-19 at ang Delta variant at mas makapaghanda ang pamahalaan.
Epektibo ang ECQ sa Metro Manila simula August 6 hanggang 20, pero isinailam muna ito ngayong araw hanggang August 5 sa General Community Quarantine (GCQ) with Heightened and Additional Restrictions.
Ito ay upang makapaghanda ang publiko sa pagpapatupad ng hard lockdown.