Tuesday, February 3, 2026

2-week-old baby, binenta ng magulang para pangpuhunan sa ‘kwek-kwek’

Arestado sa entrapment operation ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang mga magulang na tangkang ibenta ang kanilang 12-araw na gulang na sanggol na babae.

Ayon kay National Authority for Child Care (NACC) Undersecretary Janella Ejercito Estrada, hinuli sa isang mall sa San Jose del Monte, Bulacan ang mag-asawa habang tinatanggap ang buy-bust money na nagkakahalaga ng P27,500.

Lumitaw sa imbestigasyon ang umano’y balak gamitin ng mag-asawa ang halaga bilang puhunan para sa isang street food business.

Nakipag-ugnayan na ang NACC para sa pangangalaga sa sanggol nang matiyak na maayos ang kalusugan nito.

Ani Estrada, sinisiguro ng NACC na makakatanggap ng patuloy na pangangalaga at proteksyon ang sanggol na nararapat sa kanya mula sa gobyerno.

Facebook Comments