20-30% increase sa coverage ng PhilHealth, iginiit ng isang kongresista

Pinapataasan ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ng 20% to 30% ang coverage ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ang naturang hirit ay nakapaloob sa liham na ipinadala ni Lee kay PhilHealth President and Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr.

Binigyang-diin ni Lee sa liham na kung may bilyon-bilyong pondo ang PhilHealth ay dapat mas mapalawak ang benepisyo sa mga miyembro nito.


Paliwanag ni Lee, sa panahon na walang humpay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay malaking tulong sa ating mga kababayan ang karagdagang benepisyo mula sa PhilHealth.

Dagdag pa ni Lee, dapat ay lubos ding maipatupad ang outpatient benefit packages na covered ng ahensya tulad ng XRay, MRI, at madagdagan ang mga sinasagot nitong generic medicines, at benefit package for severe pneumonia acute hemorrhages.

Facebook Comments