20-30KPH SPEED LIMIT SA BUONG ASINGAN, MAHIGPIT NA IPINATUTUPAD

Epektibo na ang kautusan sa mga motorista na dumadaan sa mga kakalsadahan na sakop ng Asingan na nagtatakda ng speed limit depende sa uri ng sasakyan at tinatahak na bahagi.

Para sa mga pampasaherong kotse, motorsiklo, bus at trak na mapapadaan sa mga kalsada na may unting trapiko, 30kph ang pinapayagang patakbo habang 20kph naman kapag dumadaan sa mga matataong lugar, intersections, school zones, at iba pang itinuturing na blind corners.

Alinsunod sa RA 4136 o ang Land Transportation a d Traffic Code ang kautusan at pagpapahalaga sa kaligtasan sa mga kakalsadahan matapos tukuyin na pangunahing dahilan ng aksidente sa daan ang mabilis na pagpapatakbo.

Maaaring hindi masakop ng kautusan ang mga driver, doctor, law enforcement personnel na tumutugon sa oras ng emergency tulad ng agarang gamutan, panghuhuli ng kriminal, pagresponde sa sunog at gyera.

May kaukulang traffic violation ticket ang mahuhuling lalabag at posibleng pagkaaresto at impound ng sasakyan.

Para sa implementasyon, pinaigting ang koordinasyon ng kapulisan, Public Order and Safety Group at iba pang ahensya na bubuo sa Local Transport Route Planning Council. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments