20-anyos na Construction Worker, Nakuryente habang inaayos ang kanilang Bubong

99

*Cauayan City, Isabela*- Patay ang isang construction worker matapos itong makuryente pasado 3:14 kahapon ng hapon sa Brgy. Larion Alto, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Hector Akilit, 20 anyos, binata at residente ng nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng Tuguegarao City Police Station, lumalabas na habang kinukumpuni ng binata ang kanilang bubungan ng aksidente nitong mahawakan ang kable ng kuryente na dahilan para makuryente ito.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima na ngayon ay sumasailalim sa gamutan.

Facebook Comments