Sugatan ang isang 20 anyos na lalaki habang nagpapaputok sa harap ng kanilang tahanan sa Brgy. Talang, San Carlos City.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, agad na pumutok ang “whistle bomb” na hawak nito matapos sindihan dahilan upang magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Agad naisugod sa pagamutan ang biktima at nabigyan ng kaukulang medikal na atensyon.
Kaugnay nito, hinihikayat ng health authorities ang paggamit ng mga alternatibong pampaingay upang hindi maaksidente kasunod ng patuloy na tumataas na bilang ng firework-related injuries sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments