
Dead on arrival ang isang 20-anyos na rider matapos sumalpok sa nakaparadang tangkal sa gilid ng kalsada sa Brgy. Catungi, Bolinao, Pangasinan bandang alas-5:30 ng hapon noong Abril 7, 2026.
Batay sa ulat ng pulisya, patungo umanong timog ang lalaki nang tangkain nitong mag-overtake sa isang papalikong motorsiklo na minamaneho ng isang 51-anyos lalaking construction worker.
Sa gitna nito, nasagi umano ng 20-anyos na rider inoovertake nitong motor dahilan upang mawalan ito ng kontrol hanggang sa sumalpok ang biktima sa isang nakaparadang tricycle sa gilid ng kalsada.
Nawalan ito ng malay at isinugod sa ospital kasama ang backrider nitong babae, ngunit idineklara nang dead on arrival ang driver habang patuloy namang ginagamot ang backrider nito.
Nasa kustodiya na ng Bolinao Municipal Police Station ang dalawang motorsiklo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para sa kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










