Arestado sa ikinasang buy bust operation ng awtoridad ang Isang high value target sa iligal na droga kaninang madaling araw sa Brgy. Mayombo, Dagupan City.
Ayon sa Dagupan City Police Station, ang suspek ay Isang 20-anyos, residente ng Barangay Lasip Chico sa lungsod.
Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 340,000 Bukod dito, nakumpiska rin ang anim na transparent plastic sachet ng shabu, marked at boodle money.
Kulong ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







