20 assistant secretaries ng DSWD, pinagsumite ng courtesy resignation

Pinagsumite na ng ‘courtesy resignation’ para sa rightsizing ang lahat ng Assistant Secretaries ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kaugnay ito sa naging katanungan ni Senator Christopher “Bong” Go kung bakit napakaraming Undersecretaries at Assistant Secretaries ng DSWD.

Sa budget hearing, kinumpirma ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na pinagsumite na nila ng courtesy resignation ang 20 assistant secretaries ng ahensya kung saan ang mga ito ay isasailalim sa evaluation para sa rightsizing at streamlining ng operations ng ahensya.


Kinakailangan ding magbigay ng mga asec. ng justification kung bakit karapat-dapat at kailangan sila sa kanilang tanggapan.

Sa kabilang banda ay hindi pa lang maaksyunan ngayon ng DSWD ang usapin dahil abala pa sila para sa pagdepensa sa kanilang budget para sa susunod na taon.

Matatandaang nauna nang sumailalim sa streamlining ng ahensya ang mga undersecretaries ng departamento.

Facebook Comments