20 BAGONG DOKTOR, IDINEPLOY NG DOH SA IBA’T IBANG BAHAGI NG REHIYON UNO

Opisyal na idineploy ng Department of Health – Ilocos Region ang 20 bagong doktor sa iba’t ibang lugar sa rehiyon uno upang palakasin ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.

Ayon sa tanggapan, ang mga bagong doktor ay itatalaga sa mga rural health units, government hospitals, at geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) upang mapabuti ang primary care, palawakin ang preventive at promotive health programs, at masiguro ang naaabot at de-kalidad na serbisyong medikal sa bawat residente.

Kaugnay nito ay isinagawa ang pormal na oath-taking ceremony bilang simbolo ng pangako ng mga doktor na ipagpatuloy ang propesyonalismo, integridad, at malasakit sa mga pasyente.

Facebook Comments