20 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Lungsod ng Taguig

Inihayag ng Taguig City Health Office na may bagong 20 na confirmed cases ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa kanilang lungsod.

Batay sa kanilang pinakabagong tala pasado alas-8:00 kagabi, ang mga nasabing bagong kaso ay mula sa Brgy. Sta. Ana, Fort Bonifacio, Lower Bicutan, Pinagsama, New Lower Bicutan, Ibayo, Hagonoy, San Miguel, Ususan at Calzada.

Kaya naman umabot na ang kabuuang bilang ng COVID-19 confirmed cases sa Taguig ng 158.


345 naman ang suspect COVID-19 cases at 98 na suspect cases under active monitoring.

Nasa 11 naman na ang mga nasawi sa nasabing lungsod ng dahil sa virus at 13 na ang gumaling.

Facebook Comments